Habang tumatagal, mas dumarami ang mga Pilipinong naghahanap ng mura at epektibong solusyon para sa kanilang mga problema sa ngipin. Isa sa mga sikat na pagpipilian ay ang pagpapa-pustiso, lalo na sa mga kulang kulang na ang ngipin o iyong mga madami nang bungi. Ngunit bago ka magdesisyon, mahalaga na malaman mo ang lahat ng impormasyon ukol sa pustiso, simula sa presyo nito hanggang sa mga hakbang na dapat mong sundan. Marami ang nagtatanong kung magkano nga ba ang magpapustiso ng isang ngipin? Ng dalawang ngipin? Tatalakayin natin iyan sa artikulong ito.
Ano ang Pustiso?
Ang pustiso, o dentures sa Ingles, ay isang dental na aparato na ginagamit upang mapalitan ang mga nawawalang ngipin. Karaniwan, ang pustiso ay binubuo ng isang set ng mga ngipin na gawa sa iba’t ibang materyales tulad ng plastik o resin, at ito ay inilalagay sa bibig gamit ang isang espesyal na kola o kahit na suyod.
Bakit Importante ang Pustiso?
- Pagpapahusay sa Kagandahan: Ang pustiso ay nagbibigay ng pagkakataon na mapanatili ang magandang itsura ng ngipin at ngiti. Usong-uso ngayon ang pagseselfie at pagpopost sa social media. Mahusay kang makakangiti sa camera kung kumpleto ang iyong mga ngipin.
- Pagpapabuti ng Pagnguya at Pagkain: Ang pustiso ay nakakatulong sa tamang pagkagat at pagnguya ng pagkain, na nagpapabuti sa proseso ng pagtunaw sa tiyan.
- Pagpapahusay sa Pakiramdam ng Kumpiyansa: Sa tulong ng pustiso, muling magbabalik ang kumpiyansa sa sarili sa pakikipag-usap at pag-ngiti.
- Proteksyon sa Iba Pang Mga Problema sa Ngipin at Gilagid: Ang pustiso ay nagbibigay-proteksyon sa natirang ngipin laban sa paglilipat ng puwersa sa pagkakaroon ng malusog na ngipin.
Magkano ang Presyo ng Pustiso sa Pilipinas?
Ang presyo ng pustiso sa Pilipinas ay maaaring mag-iba depende sa iba’t ibang kadahilanan tulad ng materyal ng pustiso, karanasan ng dentista, at lugar ng dental clinic. Sa pangkalahatan, maaaring umabot ang presyo ng pustiso sa Pilipinas mula ₱2,000 hanggang ₱50,000 o higit pa depende sa uri ng pustiso na kailangan mo at pipiliin mo.
- Partial Dentures (Partial Pustiso): Ito ay para sa mga taong may ilang nawawalang ngipin lamang. Ang presyo ng partial dentures sa Pilipinas ay maaaring mag-umpisa sa ₱2,000 hanggang ₱5,000 kada ngipin.
- Complete Dentures (Buong Pustiso): Ito ay para sa mga taong nawalan ng lahat ng ngipin sa isang bahagi o sa buong bibig. Ang presyo ng complete dentures sa Pilipinas ay maaaring mag-umpisa sa ₱20,000 pataas depende sa materyal at kahusayan ng dentista.
- Implant-Supported Dentures: Para ito sa mas permanenteng solusyon. Ang presyo ng implant-supported dentures sa Pilipinas ay mas mataas, maaaring umabot ng ₱50,000 pataas kada ngipin depende sa klase ng implant at materyal ng pustiso.
Mga Dapat Tandaan Kapag Magpapapustiso
Ang unang hakbang ay ang pagsasagawa ng konsultasyon sa isang lisensiyadong dentista. Dito, pagaaralan muna ng dentista upang malaman kung anong klase ng pustiso ang angkop para sa iyo. Hindi maaaring basta-basta ka lang magpapagawa kung saan mura, ngunit hindi ka naman sigurado kung angkop sayo ang gagawin.
Matapos masigurong angkop sayo ang pustisong ipapagawa, ang susunod na hakbang ay ang pagkuha ng impressions o porma ng iyong bibig. Ito ay ginagawa upang maging eksaktong angkop ang pustiso sa iyong bibig. Saka ka pa lamang maaaring pumili ng materyal para sa iyong pustiso, kabilang ang plastik, resin, o porcelain para sa mas natural na itsura.
Matapos ang paggawa ng pustiso, isusukat ito sa iyo ng dentista. Dito mo makikita kung kumportable at tamang fit ang pustiso sa iyong bibig. Kung kinakailangan, maaaring gawin ang ilang adjustment para siguruhing angkop at kumportable ang pustiso.
Paano Pumili ng Dental Clinic Para sa Pustiso
- Lisensya ng Dentista: Siguruhing lisensyado at may sapat na kasanayan ang dentista na mag-aasikaso sa paggawa ng pustiso. Magbasa basa muna online o magtanong tanong sa mga dating pasyente kung ang dentistang balak mong pagawan ay tiyak na ligal at maaasahan.
- Rekomendasyon: Magtanong sa mga kaibigan o pamilya kung mayroon silang mairerekomenda na magandang dental clinic para sa pustiso.
- Online Reviews: Basahin ang online reviews o testimonies ng ibang pasyente upang malaman ang kanilang karanasan sa dental clinic. Tulad ito ng mga testimonial sa unang pahina ng website na ito.
- Presyo: I-kumpara ang presyo ng iba’t ibang dental clinic at tuklasin kung ano ang saklaw ng kanilang serbisyong kasama na ang follow-up check-ups at adjustments.
Sa pag-aalaga ng iyong dental health, mahalaga na maglaan ng oras at pananatili para sa mga pangangailangan ng iyong ngipin. Ang pustiso ay hindi lamang nagbibigay ng magandang ngiti kundi pati na rin ng pangmatagalan at epektibong solusyon para sa mga dental issues.
Huwag mag-atubiling magtanong, magkonsulta, at mag-inquire sa mga lisensyadong dentista tulad ng sa Winning Smile Dental Clinic upang matiyak na ang pustiso na iyong mapipili ay magbibigay-saya sa iyo ng buong buhay. Kami ay maaaring i-message sa Messenger or tawagan sa hotline na (02) 8892-8189.